Hi po bub, ang weird pala sa pakiramdam isipin na huling sulat ko na to sayo na tatawagin kitang Bubby. "Bubby" na galing pa sayo, sabi mo nga ang ibig sabihin ay isang magkaibigan "Buddy" at magka ibigan "Baby". Di ko alam pero the moment na sinabi mo yung meaning nun ay nagustohan ko na talaga siya kasi ang meaningful nya para saakin. Isang kaibigan at ka ibigan. Sino palang magaakala na pagtatagpuin tayo ng tadhana sa website na yun. Alam ko tulad mo na bored tayo sa buhay gawa ng pandemic at mga problemang kinakaharap natin sa buhay kaya naghahanap tayo ng kausap para makinig at maglabas ng mga hinaing natin. And sa dinami dami ng tao na nasa site na yun tayo pa talaga yung nagmatch. It was so unexpected na makakahanap ako ng tao na sa kwentuhan palang natitipuhan ko na. Ang saya mo kausap, ang kulit tapos game na game magkwento ng kahit anong itanong ko. Siguro hindi ko pa sayo nasabi pero don ako nagstart na magustuhan ka, kasi sobrang genuine ng mga sagot mo at alam ko na nagsasabi ka talaga ng totoo. Di ba Dani? hehe "Dani" yung name mo na pinakilala bigla ko lang naalala. Pero ayun nga hindi ko lubos maisip na sa omegle ko pala makukuha yung isa sa greatest blessing na narecieve ko sa buong buhay ko. Oo, ikaw yun. Never ko talaga inakala na don ko makikilala yung first ko sa lahat. Ikaw yung first love, gf, kiss and everything ko. Hindi ko alam kung nasabi ko na ba to sayo pero promise ko kasi talaga sa sarili ko na ibibigay ko yung lahat ng first ko sa first gf ko at hinding hindi ko siya lolokohin. Promise ko yan mula nung nakita ko si mama na umiyak ng nalaman niyang niloloko siya ni papa. Sa pagkakaalam ko binigay ko naman yung lahat ng meron ako at yung best ko para sa first gf ko pero hindi ko alam na hindi pala yun enough. Alam ko sa umpisa palang hirap talaga akong unawain yung buong emotion mo at alam ko na doon ako sobrang nagkulang sayo. Im really really really sorry bub for not realizing na im hurting you na so badly. 😭 Sorry talaga po ng sobra for not realizing that. I'm sorry for being selfish, oo at some point sobrang selfish ko with my actions not realizing na it would affect you. Ang iniisip ko lang yung inis ko din sayo thats why ganon yung nagiging actions ko. Im sorry bub kung naging weak ako, nakakahiya pala kasi nung nagtagal imbis na lalo kitang indindihin ang ginagawa ko mas nagpapadala na ako sa emotions ko hanggang sa maapektohan na kita ng sobra. Sorry sa mga salitang nabitawan ko. sorry kung nasumbatan kita. sorry kung napafeel ko sayo na hindi ikaw ang priority ko. sorry kung imbis na intindihin sinasabayan ko pa yung init ng ulo mo. Puro nalang ako sorry pero alam mo minimean ko yan lahat. Sa ngayon gusto kong malaman mo na sobrang nagsisisi ako bub. Alam ko hindi naman ako ganito noon, i always prioritize, support and love you as much as i can kahit na nasasaktan mo din ako. Tinatry ko yung best ko na ibigay sayo lahat ng kaya ko kahit walang wala ako. Ganon mo ako nakilala at minahal ng sobra pero hindi ko namalayan na paunti unti nagiiba na ako. Sorry talaga kung umabot ako sa point na pinapatulan na kita sa galit mo at nagiging defensive na ako to the point na hindi ko na iniisip kung ano yung mga mafifeel mo sa masasabi o actions ko. Alam mo po aaminin ko dumating ako sa point na napapagod na ako, hindi naman talaga sayo pero sa pageeffort sayo.Alam ko sa sarili ko bub na i am willing to give everything na meron ako mapasaya ka lang kaya lang may times na ginawa ko yun pero in return umuwi akong may sama ng loob. Alam mo po sobrang sama sa loob ko non. kasi i know i can't control all of my actions bub, ang gusto ko lang sana minsan maging fair ka kung may nagawa akong hindi mo gusto sana wag mo naman akong pagsalitaan ng sobra lalo na kung all day mabuti naman yung pinakita ko sayo kasi po sobrang sama lang sa pakiramdam ko pag ganon. Pero sorry, alam ko minsan napaka insensitive ko din talaga kaya naiintindihan ko kung minsan naiinis ka saakin ng sobra. Pero alam mo kahit ganyan ako God knows bub kung gaano kita ka mahal hanggang ngayon never ko naisip na lokohin ka o palitan ka kasi kontento ako sayo. Alam nya din kung gaano ka pure yung intentions ko sayo. Im sorry din pala kung this past months hindi na ako nakakapageffort tuwing may special occasion tayo, pero gusto kong malaman mo na gustong gusto kita itreat hindi lang sa food pero gusto ko din ipamper ka, gusto ko ayain ka magfootspa, facial and all gusto ko ibigay lahat ng gusto mo na kaya ko pero sorry kung hindi ko magawa kasi sa ngayon i can only afford gas and food gawa ng may binabayaran akong utang and hindi na din ganon kalaki yung nakukuha ko sa pisowifi. Pero alam mo naisip ko na yan lahat na babawi nalang ako sayo pag nagkawork na ako gusto ko kahit once a month magpamper date tayo tapos kahit once a year magtravel. Isa yun sa plan ko talaga kasi alam ko na deserve mo itreat ng ganon and deserve natin makalagrelax sa lahat ng stress at pagod natin sa buhay. Pero dont worry kahit hindi na tayo promise ko na gagawin ko parin yun for you kasi deserve na deserve mo and pambawi ko na din sa lahat ng nagawa ko sayo. Alam mo pala may ikwekwento ako this past months lalo na na nung start ng ber months
and wala pa akong work grabe yung stress at pagtitipid ko talaga kasi iniisip ko na malapit na magchristmas na prepressure ako pag ininvite nyo ako tapos hindi ko mapantayan or mahigitan yung mga nabigay ko nung mga nakaraan. Ayoko din naman talaga humindi kasi masaya ako na kasama ko kayo and yun yung lagi kong nilolookforward every year kasi para saakin yun na yung pinaka masayang christmas na naexperience ko a buong buhay ko. kasi sobrang saya nyo kasama na feel ko talaga na kapamilya nyo ako. Saka alam mo sobra din kita na appreciate kasi nung mga nakaraan ikaw nagpara treat saakin kasi sa totoo lang walang wala din talaga ako pero deep inside nahihiya talaga ako iniisip ko nalang na babawi ako pag meron na. Kaya sobrang thank you talaga ❤ Anyway since nasimulan ko na better siguro na ikwento ko na din yung mga best qualities mo na minahal ko sayo kasi siguro hindi ko yun madalas nasasabi sayo. Una alam mo isa sa pinaka gusto ko sayo is genuine ka, sobrang genuine mo magmahal hindi lang saakin pero sa lahat ng mahal mo sa bubay. How you act is also so genuine, you act what you feel, hindi ka plastic na tao and hindi ka takot iexpress yung nafifeel mo kahit kanino. Alam mo something na hindi ko pala nasabi sayo, nung una na inis ako sayo kasi hinabol mo yung naka sagi sainyo ni tita ang una ko kasing inisip yung kapakanan mo na pano if may nangyare sayo lalo na magisa ka pero part nun hindi ko lang sinabi pero hanga ako sa tapang mo sinong babae ang gagawa ng ganon? Tama yung ginawa mo kasi ang gusto mo lang naman mapanagot sila pero mali kasi pwede kang mapahamak pero grabe hindi ko lang sinabi pero napaisip ako kung kaya ko magagawa ko ba yung ganon. Isa pa sa gusto ko sayo is you're loyal, alam ko at ramdam ko na minahal mo ako ng tapat at ng sobra sobra. alam ko minsan sinasabi ko na hindi ko yun mafeel pero mali ako kasi nung inisip ko ng mas malalim na kita ko na hindi kita pwedeng ijudge lang sa mga nasasabi or nagagawa mo pag galit ka kasi part non kasalanan ko naman talaga pero pag okay naman tayo tinitreat mo akong maayos. Isa pa you're strong, i mean super strong sa totoo lang sa diskarte at pagiging responsable talong talo mo ako. Isa yan sa qualities na pinaka gusto ko sayo alam mo yan yung lagi ko pinagmamalaki kina vhinz pag nagkwentohan kami, last time nung naginom kami napagkwentohan namin yung future sabi ko isa sa pinaka gustong gusto ko sayo is strong ka and family oriented kampante ako na if ever man bumuo tayo ng family at need ko pumunta sa ibang bansa kampante ako na matino yung iiwanan kong asawa at hindi nya papabayaan yung mga anak namin. And lagi ko din sinasabi sakanila na you're not perfect may mga hindi ako gusto sa ugali mo pero sobrang ka tangap tangap yun para saakin lalo pa kung ikukumpara ko sa ibang mga babae kaya for me overall isa kang wife material. Tapos ngayon sobra paghihinayang ko kasi sinayang kita, oo aaminin ko sobra akong nanghihinayang kung bakit kailangan pa tayong magbreak bago ko marealize mga yan. Sorry talaga sa lahat lahat. Im sorry sa lahat ng mga pagkukulang ko, alam ko yun at yun ang pinaka kailangan mo pero hinding hindi ko mapafeel sayo 😭 Sorry kung sa loob ng more than 3 years natin, siguro never ko napafeel sayo na kakampi mo ako kasi minsan instead na intindihin ko yung nafifeel mo, ang mas iniintindi ko yung sarili ko. Sorry din kung nung nagtagal hindi ko na din natitiis na hindi patulan yung mga tampo mo saakin hanggang sa nasusumbatan na kita para lang idefend ko ang sarili ko. Im really sorry, ang gusto ko lang naman sana maging patas ka sa mga judgement mo saakin kasi nasasaktan mo na din ako sa mga nasasabi mo. Ang hirap kasi na pagsasabihan mo ako ng masasakit na salita tapos pag nahimasmasan kana babawiin mo lang din. Pero sorry talaga alam ko na mali ako sa part na yun. Ang lungkot isipin kasi kailangan natin magtapos. Napapagod, naiinis, nalulungkot, lahat na ng masasakit na emotion nafeel ko sa relationship natin pero never ko ginusto na matapos tayo. Lagi ko sinasabi sayo na "tangap kita" tangap kita kahit nahihirapan at napapagod na din ako sayo. Siguro nasasabi ko to kasi ganon yung love na alam ko. Ganon yung love na naexperience ko sa papa ko. Hate ko siya ng sobra pero hindi ko parin kayang kalimutan siya bilang papa. Kahit nasasaktan ako at hindi ko siya makausap, bago ako matulog never ko siya kinakalimutan sa prayers ko. Kasi sa ganoong paraan kaya ko maexpress yung love ko sakanya. Ganon ka din saakin, kahit sobrang inis ko sayo palagi parin kita pinagdadasal na sana mas magkaunawaan tayo. Kasama ka sa prayers ko na sana maabot natin parehas yung mga pangarap natin sa buhay at pinagdadasal ko palagi na sana ikaw na talaga kasi ayoko na sanang magmahal pa ng iba. Ang nakakalungkot lang kasi kahit ipagdasal ko pa hindi talaga siguro yun ang gusto ng tadhana. Pero its okay, ang selfish ko naman kung ipipilit ko pa lalo na kung sobrang nahihirapan kana. Alam mo ang paulit ulit ko na iniisip sa ngayon pag inaabot ako ng sobrang lungkot "Para kay darra to! hindi ko kailangan malungkot" pero grabe kahit isipin ko ng sobrang daming beses ang lungkot parin talaga. Hindi na ako iyakin ang daming beses na akong nasaktan ng grabe siguro naluha ako pero never ako naiyak ng sobra, sayo nalang ulit. Ang hirap lalo pa sa situation ko na walang pinagkakaabalahan kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang maglaro para hindi lang kita maisip. Kasi grabe pa yung sakit pag naiisip ko na wala na. Ang hirap, ang bigat sa pakiramdam isipin na gagawa ako ng sulat na magpapaalam na ako sa taong minahal ko ng sobra. Pero kailangan kasi para naman to sakanya. Ayoko sanang sabihin na paalam na pero para sa ikakaluluwag din ng damdamin nating dalawa kailangan. Kaya gusto ko lang sabihin na salamat sa 3 years, 5 months and 16 days bub! Hindi man sa lahat ng yan masaya tayo pero sobra sobra yung saya ko na binigyan mo ako ng pagkakataon na maging part ng buhay mo. Ang dami kong na experience na love sayo at sa family mo na never ko na experience sa iba or sa family ko. Sobrang salamat sayo kasi naging bahagi ka ng pagabot ng dream ko, salamat sa love, care, lessons and everything bub! (Pag bigyan mo na ako last na siguro yan na tatawagin kita na bub) I hope na makuha mo yung peace and happiness na deserve mo and i will still pray for you na maabot mo yung lahat ng pangarap mo sa buhay at makuha lahat ng desires mo. Mag ingat ka palagi ha at alagaan mong mabuti yung sarili mo. If need mo ako or need nyo ng help ko wag kayong mahihiyang magsabi saakin, palaging akong willing na tulungan kayo.
Pasuyo na rin pala kapag okay na pasabi nalang salamat din kay anya at renz sa lahat lahat lalo na sa pagaasikaso saakin pag anjan ako lalo na sa pagaayos palagi ng matutulugan ko. Pasabi din salamat ng sobra kay tito at tita, sa pagkupkop at pag turing saakin bilang anak sobrang laking bagay nun saakin 😭 Salamat din sa mga gifts, treats, invites at sa lahat lahat. Hindi hindi ko kayo makakalimutan at salamat kasi lahat kayo sa family nyo as in lahat kasama sila lola,tito,tita at mga pinsan mo naging mabuting tao saakin. Never ko na feel na hindi ako welcome sainyo. 💖
Ang hirap pala kasi mawawala ka na nga bub mawawalan din ako ng family. Gusto ko din sanang sabihin sakanila yan in person pero hindi ko kaya, wala akong lakas ng loob na harapin sila kaya pasabi nalang salamat sa lahat pag okay na. Ang dami ko palang babaunin na masasayang memories natin and i promise na ititira ko lang lahat ng masasaya hindi ko na iisipin yung mga issues or tampo ko sayo kasi gusto kong maalala ka sa totoong ikaw hindi yung galit na ikaw. and sana ganon ka din sana makalimutan mo na yung galit na mark at sana maalala mo yung totoong ako. And thank you kasi sayo ko na experience yung happiest years ng buhay and siguro yung coming years without you is yung worst. I've never felt so sad in my life ngayon lang. Akala ko saddest part na ng buhay ko yung bumagsak ako for the 2nd time pero shet ito pala! 😭 Im soo sad bub na mawawala kana never ko na imagine yung buhay ko na wala ka and imagining it right now parang sasabog yung puso ko. Pero pinipilit kong isipin na kailangan kasi para naman to saatin para to sa happiness mo and para to saakin para matuto ako. Kung maibabalik ko lang yung oras sana na realize ko na lahat ng yan. sana hindi kita sinayang. Sana hindi nalang ako nagpaapekto sa mga issues natin. sana, sana, sana. ang dami kong sana sa isip ko pero im still hoping sa isang "sana". I think hanggang dito na muna, pasensya na kung sobrang haba ilang araw ko kasing ginawa to. Ilang luha yung iniyak ko dito bago ko matapos to sana sa sulat kong to na feel mo kung gaano kita ka mahal at gaano ako nagsisisi sa mga nagawa ko sayo. Salamat ulit sa lahat lahat! Darra! Ang dami ko pang gusto sabihin pero siguro hanggang dito na muna. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita sobra and never ka mawawalan ng space sa puso ko. Sana pag okay na pwede pa? pero I won't be selfish ayusin ko muna sarili ko at pag okay na ako i'll earn my bubby back! kung pwede pa? Ayoko na talagang nagkakasakitan tayo at ayaw na ayaw ko nang nakikitang hindi ka masaya kasi sobra sobra sobrang deserve mo maging masaya! basta sa ngayon focus muna tayo sa sarili natin. I promise na ibabalik ko yung unang mark na nakilala mo! ako pa din naman yun siguro kailangan ko lang din talaga muna magreflect sa mga nagawa kong mali sayo at mag let go sa lahat ng issues ko sayo. Ingat ka palagi! Always remember na im always one call away basta para sayo. I love you! and will always love you. Pero wait let me sing you a song bago ako magpaalam sa bubby ko i hope na magustohan mo to.
Your Friend,
Mark
Paalam
Kung may bago kanang mamahalin,
wag kang magalala ako ay masasana'y rin,
parang kahapon lang tayo'y magkasama
Naging isa na siyang alaala
Mula ngayon araw-araw nang mananalangin
Na sana'y lagi kang masaya
Paalam na sa ating pag-ibig
na minsa'y pinagisa
Paalam na sa mga pangakong
Di na mabubuhay pa,
paalam na...
sa mga kayap at halik,
sa tamis at pait
Bakit hinayaan?
Sinayang ko lang ang iyong wagas na pag-ibig